barkada(wla ako nun???!!)

Worst feeling in the world is knowing that you already did your best but it’s still not good enough

 

Sa sobrang bigat ng aking nararamdaman…para nakong bumubuhat ng isang kaban.  

di ko alam kong bakit ko ito nararamdaman…siguro sadyang masakit lang.

sakit,naumabot sa puntong ako na’y manhid-manhidan,

na minsa’y di ko namamalayang marami na pala akong luhang kailangan mapahidan.  

dahil sa sakit na dulot ng kanilang pinararamdam.

Di ko alam kong bakit ganito ang aking nararamdaman.

bakit ganito ang aking nararamdaman?anu ba ang pinag mulan ?

isa na naman ba itong kalukohan?o sadyang totoo o lang?

“tayo ay pamilya”,yan ang sabi niyo,kaya pinaniwalaan ko ito. 

mula eskwelahan,hanggang sa galaan,di tayo nag-iiwanan. 

dahil tayo ay barkada na pamilya ang turingan,at pinangakong ito’y magpakailanman. 

saksi ang langit at buwan sa ating mga pinagdaan.  

mahirap man ito o hindi,masaya man o may kalungkutan, 

 

tayo ay nanatiling buo na may katatagan.

di uso sa atin ang pagababgo,dahil sabi niyo “tayo ay barkadang totoo”.

na dumating sa puntong lahat ng katagang iyon ay kinapitan ko.

ngunit ng lumipas ang araw at buwan,nawala ang mga katagang binitawan,

nagkaroon kayo ng mga bagong kakilala at kaibigan,

nakakatawang isipin na kayo ay sama-sama parin,pero may hindi kayo namalayan,

at yun ay yung ako ay inyong naiwan.

 kasabay ng inyong pagbitaw sa sinasabi niyong

 “barkadahang  walang iwanan,pamilya ang turingan”

kasabay ng pagbuo niyo ng bago niyong barkada,

kasabay nito ang pagkawasak ng damdamin kong umaasa,

na sana maibalik yung dati,na tayo ay sama-sama,

ok lang kung madadagdagan pa,basta wala lang maiiwan kahit isa.

pero mistulang kayo na ay nag iba,minsan ay nabalitaan kong kayo pa ang nangunguna, 

sa paghusga sa akin ng mga bagay na di ko akalain na sa inyo pa manggagaling,

pero mistulang kayo nga ay magaling,sinubukan niyo pa akong plastikin,

na akala niyo’y di makakarating sa akin,na minsan ay ako na mismo ang nakasaksi,

rinig ng dalawa kong taynga,at nakita ng dalawa kong mata,

na inyong sinasabing ako’y isang sinungaling at walang kwenta.

ngunit sa lahat ng nangyari di ako bumitaw,ginampanan ko parin ang aking gampanin,

naging mabuting kaibigan,kahit na alam ko’y ako’y inyong paplastikin,

ngunit di ang mga yun ang humadlang sakin,

para itigil ko ang aking tungkulin,

minsan na nga ay nagtatanung ang iba,

bakit daw ako’y nagpapakatanga pa?,

eh marami naman daw pwedeng maging kaibigang iba,

isa lang ang masasabi ko sa kanila,

at yun ay yung,”ok na maging tanga,

alam nio kung bakit kasi maski ako di ko alam kung makakahanap pako ng iba”

eh ang tingin ng mga tao sakin ay iba,in na way na hindi maganda yung pagka iba.

pasensya tao lang ako,kayumanggi ang kulay ng balat,

samantalang ang ipinalit nila sa akin ay mukhang dyosa dahil sa kulay ng balat,

anu ba ang pangtama ko sa iba?eh ang itsura ko ay mukhang sisa,

samantalang sila isang prinsesa,kulay na porselana,mukhang maganda.  

at ng dumating ang araw,na naawa na ako sa aking sarili,

lumapit ako sa inyo upang sana’y sabihin,na sana’y ako naman ay inyong isali,

sa bago niyong barkada na napili,

ako ay inyong tinaggap,ngunit pakiramdam ko’y mabigat ,

tila ako’y di welcome sa inyong pangkat,

sinubukan kong makisama at dumating pa sa point na di ko nakilala ang aking sarli,

ginawa ang mga bagay na sa inyo’y makakabuti,

kung kayo ba ay sasaya o hindi,

ng panahong ako naman ang masaya tila kayo ay biglang nag-iiba,

lumulungkot kayo na tila parang biyernesanto na,

kaya ako ay nagparaya,gumawa ng bagay na makakapagpasaya sa inyo,

kahit na ito’y magiging kalungkutan ko at kahit pa ikapahamak ko. 

kasi mahal ko kayo,ngunit hanggang kailan ako ganito? 

hanggang kailan ako aasa sa inyo, 

hanggang kailan ko makakaya na gawin ang bagay na magpapasaya sa inyo, 

ngunit ako’y di naman masaya sa mga ito. 

wala akong karapatan na kayo ay sisihin, 

dahil una palang di niyo naman sinabi saakin, 

na gawin ang mga bagay na iyon,para sa inyo, 

ngunit nakakainis kasi bakit ang manhid-manhid niyo? 

di niyo ba alam na sa bawat pagtawa niyo,iyon ang pagluha ko. 

na sa bawat araw na masaya kayo na hindi ako kasama, 

pakiramdam ko ba na parang wala akong kwenta, 

kasi pag ako ang inyong kasama tila di niyo ko gustong makasama, 

lumulungkot ang mukha,ngiti ay nawawala, 

ganun ba ko kasamang kaibigan? 

kaibigan?kaibigan?yun ang tawag ko sa inyo pero parang sa inyo wala lang ako. 

masakit isipin ngunit totoo,na kahit kailan di ko naman talaga naramdaman na ako ay kabilang, 

sa tinatawag niyong kaibigan,dahil pag kayo aking kasama, 

iba ang aking nadarama,at yun isang hangin lang akong sa inyo ay nasama. 

kaya ng minsan ako ay nag-isip-isip, 

kailangan ko muna sigurong bumitaw,at baka sakaling inyong maisip, 

na ako’y naiwan niyo sa ere na nakasabit, 

kaya ngaun ako ay kung saan saang kakilala nalang sumasama, 

tinitignan kung baka sakaling sakanila ako dapat sumama,

 ngunit  di ko talaga manahap kong saan at sino talaga ang mga dapat kong kasama, 

o sadyang ako’y nakatadhana ng mag-isa, 

na walang kabarda,walang karama’y sa mga problema, 

liban sa pamilya,liban sa sarili, 

ako nga siguro ay nakatadhana ng mag-isa, 

mag-isa at walang kabarkada.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s